Nagpaabot ng tulong ang DSWD Bicol sa pamamagitan ng Disaster Response Management Division (DRMD) sa isang apektadong pamilya dahil sa insidente ng sunog sa Purok 4, Barangay Bariis, Legazpi City, Albay nitong Mayo 11, 2024.

Agad na nakipag-ugnayan ang DRMD sa Provincial SWAD Albay at sa Legazpi City Action Team para mangalap ng mga kinakailangang impormasyon tungkol sa apektadong populasyon.

Isang pamilya na binubuo ng limang indibidwal na may dalawang anak ang lubhang naapektuhan at kasalukuyang nanunuluyan sa daycare center ng barangay.

Bilang tugon, ang DRMD, sa pangunguna ni Division Chief Claudio A. Villareal Jr., ay mabilis na naghatid ng mga relief items, kabilang ang dalawang family food packs (FFPs) at isang set ng non-food relief items, kabilang ang sleeping kit, kitchen kit, family kit, hygiene kit, at sampung metro ng laminated sacks na nagkakahalaga ng Php8,305.64.

Bukod dito, ang pamilya ay tatanggap din ng Php10,000 na tulong pinansyal sa pamamagitan ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Source: DSWD Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *