Sa pagbisita ng mga tauhan ng City Government ng San Fernando, La Union sa Pamahalaang Panlalawigan ng Tanauan, mainit na tinanggap ang kumatawan sa kanilang butihing City Administrator Col. Ramon F. Laudencia na si City Mayor Hermenegildo A. Gualberto nina Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes.

Ibinahagi ng City Planning and Development Office, BLPO at Tanauan City Trading Post ang mga proseso, alituntunin at operasyon ng isang PPP Project sa isinagawa nilang pag-aaral sa Public-Private Partnership (PPP) ng Lungsod ng Tanauan.
Upang aktuwal na makita ang proyekto at obserbahan ang epektibong implementasyon ng mga programa, kanilang binisita ang Tanauan City Trading Post at Victory Mall.

Ang aktibidad ay naglalayong pahalagahan at bigyang konsiderasyon ang kabuhayan ng kanilang mamamayan partikular sa mga “Best Practices” sa mga Pampublikong Pamilihan upang mapanatiling patas, maayos at masigla ang kalakalan ng bawat lalawigan.
Source: City Government of Tanauan