ODIONGAN, Romblon — Pinag-aaralan ng Sangguniang Bayan ng Odiongan ang panukalang pagtaas ng minimum na pasahe sa tricycle mula ₱19 hanggang ₱25, kasunod ng pag-apruba nito sa committee level. Ayon sa Committee on Transportation, tugon ito sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis na nakaapekto sa kita ng mga driver.

Inaasahang tatalakayin ang ordinansa sa susunod na sesyon para sa pinal na pag-apruba. Samantala, pinaalalahanan ang mga driver na sundin muna ang kasalukuyang fare matrix habang hindi pa ito naipapasa.

Kaugnay nito, nagpatupad din ang lokal na pamahalaan ng pagtitipid sa pamamagitan ng pagbawas ng mga aktibidad sa Kanidugan Festival 2026 at ika-179 anibersaryo ng bayan—mula siyam na gabi ay ginawang anim na gabi na lamang.

Ayon kay Mayor Roger Fodra Jr., ilalaan ang matitipid na pondo sa mga serbisyong panlipunan at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga residente.

Source: PIA Romblon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *