Isinagawa ng lokal na pamahalaan ang “City Financial Assistance Pay-out Program” sa Calapan Covered Court, Calapan City Hall, Barangay Guinobatan, Calapan City nitong ika-6 ng Mayo 2024.
Naisakatuparan ang nasabing aktibidad sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamumuno ni Marilou Flores-Morillo, City Mayor, kasama si Atty. Jel Magsuci, City Councilor.

Kasama sa aktibidad ang City Social Welfare and Development Department na pinamumunuan ni CSWD Officer, Ms. Juvy L. Bahia, RSWS, Serbisyo sa Taumbayan Center, sa pamumuno ni STC Program Administrator, Mr. Peter Joseph V. Dytioco, at City Treasury Department na pinamumunuan ni City Treasurer, Mr. Nicasio D. Catapang.

Ang nasabing City Financial Assistance Payout ay nakatulong sa humigit-kumulang na 150 benepisyaryong Calapeño mula sa iba’t ibang sektor na nangangailangan ng tulong pinansyal para sa mga medikal na pangangailangan.

Bukod dito, patuloy din ang pagbaba ng Expanded Health Program, at inilaan din ng Punong-lungsod, Mayor Morillo, ang pondo upang suportahan ang mga Calapeño sa kanilang mga gastusin sa pangangalaga sa kalusugan sa mga ospital, bilang pagpapahalaga sa kalusugan ng bawat mamamayan ng lungsod.
Sa pamamagitan ng programang ito, ang lokal na pamahalaan ay handang tumulong sa mga mamamayan na makayanan ang kanilang mga bayarin sa mga ospital at iba pang medical expenses.
Source: Tita Malou Flores-Morillo