Nagpaabot ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol sa pitong pamilyang naapektuhan ng sunog sa Barangay Poblacion, Baleno, Masbate, kahapon, Abril 24, 2024.
Aabot sa 37 indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa Valdemoro Sports Complex and Evacuation Center dahil sa insidente.

Kaugnay nito ay agad na nabigyan ng tulong ng DSWD Bicol ang mga biktima tulad ng Family food packs, hygiene kits at sleeping kits na nagkakahalaga ng Php60,015.
Bukod dito ay nagpaabot rin ng tulong ang ahensya sa pamilyang nasunugan sa Barangay Sabang at Cogon sa Bulusan, Sorsogon.

Ang mga ito ay makakatanggap din ng pinansyal na tulong sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program.
Source: DSWD Field Office 5-Bicol