Sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., isinagawa ang isang mahalagang inspeksyon sa mga sakahan na labis na naapektuhan ng El Niño phenomenon sa Sitio San Carlos, Barangay Central sa San Jose Municipality, Occidental Mindoro noong ika-23 ng Abril 2024.

Ang pagbibigay ng mahigpit na seguridad ay sinigurado ng mga kapulisan ng Police Regional Office MIMAROPA para sa ikakaayos ng naturang aktibidad sa pangunguna ni Police Brigadier General Rogel L. Quesada, Regional Director ng PRO MIMAROPA at iba pang awtoridad at kawani ng gobyerno.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pamamahagi ng iba’t ibang tulong tulad ng Kagawaran ng Pagsasaka, Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Bureau of Soils and Water Management, at iba pa mula sa pamahalaan sa mahigit 2,000 benepisyaryo.

Mula sa Department of Agriculture, ipinamahagi ang labing-isang units ng mga bomba at makina, habang mula naman sa PHilMech, dalawang units ng combine rice harvesters at apat na wheel drive tractors. Dagdag pa rito ang isang unit ng 62-footer tuna fishing boat, anim na units ng 18-footer small boats, at iba pang kagamitan para sa pangingisda at agrikultura.

Bukod sa mga ito, nagbigay din ang iba’t ibang ahensya ng tulong tulad ng DSWD’s Assistance to Individuals in Crisis Situation at Sustainable Livelihood Program (SLP), DOLE’s Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers Program at iba pa. Lahat ng ito ay bahagi ng pagsisikap ng gobyerno na magbigay ng suporta at oportunidad sa mga mamamayan, lalo na sa mga sektor ng agrikultura at pangingisda.

Sa pamamagitan ng mga programa at tulong na ito, inaasahang magkakaroon ng mas malawak na pag-unlad at oportunidad ang mga residente ng San Jose, Occidental Mindoro. Ito ay patunay ng patuloy na pagtutok ng pamahalaan sa pagbibigay ng serbisyo at suporta sa kanilang mga mamamayan upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at makamit ang mas maunlad na pamumuhay.

Source: Presidential Communications Office

Panulat ni Patrolwoman Desiree Padilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *