Mainit na pagsalubong ang iginawad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Tanauan sa mga atletang mag-aaral na lumahok at nagwagi sa 2024 Regional Athletic Association Meet (RAAM).

Binigyang-pagkilala ni Mayor Sonny P. Collantes ang inialay nilang husay, galing at dedikasyon sa kani-kanilang Sports Events.

Pormal ding inihatid ni Schools Division Superintendent Dr. Lourdes Bermudez at Assistant Schools Division Superintendent Dr. John Carlo Paita ang plake ng pagkilala para sa Lungsod ng Tanauan para sa matagumpay na pakikiisa nito bilang isa sa main event venue ng 2024 RAAM.

Ang tagumpay ng mga atletang mag-aaral ay nagsisilbing inspirasyon ng lokal na pamahalan upang patuloy na palawigin ang mga programa sa ilalim ng sining at sports.

Ito ay naglalayong ipakita at ipamalas ang mga kakaibang kakayahan ng mga mag-aaral sa larangan ng mga ganitong uri ng programa ng pamahalaan.

Source: City Government of Tanauan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *