Palawan- Idinaos ang ground breaking ceremony kaugnay sa itatayong Solar Street Lights magmula sa National Highway papasok ng Mangga Street, Brgy. Poblacion, Narra, Palawan nito lamang Enero 9, 2024.

Ang naturang groundbreaking ay pinangunahan ni Mayor Gerandy B. Danao kasama si Executive Assistant/Acting Administrator Jojo Gastanes at iba pang department heads ng LGU.

Ang proyektong ito ay pinonduhan ng halagang P2,622,962.48 na nagmula sa 20% Municipal Development Fund (MDF) ng taong 2023.

Samantala target na maisasakatuparan ang proyekto sa ika-13 ng Pebrero taong 2024.

Ayon sa alkade, ang pagkakaroon ng Solar Street Lights sa barangay ay naglalayong maprotektahan at maging ligtas ang mga mamamayan sa anumang kriminalidad na maaaring mangyari sa nasabing lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *