
Palawan – Isinagawa ang Interschool Sports Meet 2024 para sa pagdiriwang ng Padangyas Festival sa Distrito ng Magsaysay, Palawan nito lamang Enero 5, 2024 (Semi Finals) at Enero 6, 2024 (Final Round).
Ang naturang Dancesports Competition (Juvenile and Junior) ay pinangunahan ni Mayor Rommel Dela Torre at Municipal Vice-Mayor Rock Quejano katuwang ang lahat ng Sangguniang bayan ng Magsaysay.
Ayon sa alkade, ang pagkakaroon ng Dancesports Competition ay naisakatuparan sa tulong ng Lokal na Pamahalaan ng Magsaysay na nakipagtulungan sa Dancesports Club sa pamumuno nina Trevoj Abrea Roderiquez at Myann Pallega, Tournament Manager.
Layunin ng aktibidad na maipamalas ang angking talento at kakayahan ng mga mananayaw. Ito rin ay nagsisilbing pamamaraan para maisulong ang physical fitness, koordinasyon, pagkakaisa, at pagiging malikhain ng mga kalahok. Hangarin din ng gawaing ito ang aliwin at hikayatin ang mga manonood na pahalagahan at pagyamanin ang kultura at tradisyon ng probinsya.
Ang mga nagwagi sa nasabing patimpalak ay ang Danawan National High School (Latin American Discipline, Champion) at Magsaysay Central School (Juvenille Latin American Discipline, Champion). Sila rin ang magrerepresenta ng munisipalidad sa Provincial Meet 2024 na gaganapin sa Bayan ng Narra, probinsiya ng Palawan.