Isinagawa kamakailan ang groundbreaking ceremony ng Child Development Center sa Brgy. Bachao Ilaya, Gasan, Marinduque.

Ang naturang groundbreaking ay pinangunahan ni Vice Mayor Lidany Lao-Baldo, Jomari Sore bilang kinatawan ni Mayor Rolando Tolentino, Bernadeth Enriquez mula sa KALAHI-CIDSS at iba pang opisyal kasama ang mga mamamayan ng nasabing barangay.

Sa mensahe ni Ginoong Sore ay ipinaabot niya ang pasasalamat sa ahensya at sa KALAHI-CIDDS dahil sa paglalaan ng pondo para makapagtayo ng child development center sa kanilang bayan. Dagdag niya, ito ay bahagi ng katuparan ng lokal na pamahalaan na naglalayong matutukan at maprotektahan ang mga kabataan sa mga pang-aabuso.

Umabot sa P2,578,784.36 ang halaga ng pondo na inilaan sa konstruksyon ng nasabing gusali. Nakatakdang matapos ang konstruksyon ng pasilidad sa Pebrero 2024 at aasahang magkakaroon ng pormal na turn-over sa Gasan LGU.

Layunin nitong matulungan ang komunidad partikular ang mga pamilyang may anak na mula 0-5 taong gulang para mabigyan ang mga ito ng sapat na pag-aalaga at pagmamahal na dapat nilang matanggap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *