Ang Baragatan Festival ay isang selebrasyon ng mga Palaweno’s kung saan ay ipinagdiriwang nila ang kanilang mayamang kultura at tradisyon. Galing ito sa lokal na termino na “Bagat”, na nangangahulugang “Magtagpo”.
Ito ay pagtitipon ng mga cultural groups mula sa iba’t ibang probinsya ng Palawan upang ipakita at ipagmalaki ang kani-kanilang natatanging mga talento, makulay na kasaysayan at mga popular na produkto.
Ang pagdiriwang ay nagsisimula sa isang makulay na float parade na likha ng iba’t ibang munisipalidad at organisasyon mula sa iba’t ibang lalawigan na kumakatawan sa kanilang sining, kaugalian at handicraft. Nagtatapos ito sa isang nakabibighaning street dance competition sa Provincial Capitol building ng Puerto Princesa.
Ang bawat dance troupe mula sa lahat ng rehiyon ng lalawigan ay naglalagay ng makukulay na body paint sa kanilang katawan, nagsusuot ng makukulay at maniningning na kasuotan, at nagpapakita ng isang pagtatanghal sa isang malikhaing paglalarawan ng kanilang kultura at pagkakakilanlan sa pamamagitan ng sayaw at musika. At ang panghuli, ang pinakaaabangan sa pagdiriwang ay ang beauty pageant upang ipaalala sa lahat na kasing ganda ng probinsya ang mga residente sa lugar.