Ang Munisipalidad ng Magallanes ay isa sa mga pinakamatandang bayan sa lalawigan ng Sorsogon, ito ay itinatag noong panahon ng Kastila taong 1567.
Ginugunita ang taunang Magalleones Festival, tuwing buwan ng Hulyo bilang paggunita sa kanilang kalakal sa paggawa ng “galyon” o bangka sa tagalog.
Bilang pagdiriwang ng makasaysayang kultura, ang Magalleones Festival ay paraan ng
pasasalamat sa kanilang mga produkto at biyayang natanggap sa buong taon.