Ang Paroy Festival ay ipinagdiriwang tuwing Hulyo, sa bayan ng Libon, Albay.
Ito ay sumasalamin sa pangunahing pinagmulan ng buhay noon ng bayan ng Libon na ibig sabihin ay “paroy” o palay at kilala bilang rice granary ng Albay.
Ang Paroy Festival ay nagtatampok ng iba’t ibang aktibidad kabilang ang street parade, sportsfest, pinakamahabang tilapia at corn grill at marami pang iba.
Ang Paroy Festival ay dinarayo ng kalapit na bayan at mga turista na mas lalong nagbibigay ng sigla sa turismo sa naturang lugar.