
Ang Mount Halcon ay ang pinakamataas na bundok sa isla ng Mindoro, matatagpuan ito sa bayan ng Baco na sakop sa lalawigan ng Oriental Mindoro.
Mayroon itong taas na 2,616 metro o 8,583 na talampakan, mas mataas kaysa sa naunang datos na may pagtatantya na 2,586 metro o 8,484 na talampakan.
Ito ang ika-23 na pinakamataas na bundok sa Pilipinas at ika-37 na pinakamataas na tuktok ng isang isla sa buong mundo. Dahil sa matarik na mga dalisdis nito, nagkaroon ito ng reputasyon bilang isa sa pinakamahirap at teknikal na mapanghamong bundok na inaakyat sa Pilipinas.
Ang unang dokumentadong pag-akyat sa bundok na ito ay ginawa noong 1906 ng American botanist na si Elmer Drew Merrill kasama ang isang partido ng mga nangangalaga sa kagubatan at mga sundalo. Ang Mount Halcon ay tahanan din ng ating mga kapatid na katutubong Mangyan.