Ito ay karaniwang kilala bilang simbahang Romano Katoliko na matatagpuan sa bayan ng Tanay, Rizal.

Ang simbahan ay sinimulan na itayo noong 1773, natapos ng sampung taon at noong Hulyo 31, 2001, ito ay idineklara na National Cultural Treasure ng National Commission for Culture and the Arts na kasama ng 25 iba pang simbahan at kabilang din sa pitong simbahan ng Jubilee ng Diocese ng Antipolo.

Ito din ay naglalaman ng relic ng isang piraso ng buto ni San Ildefonso na nakalagay sa isang monstrance, na ibinigay ni Rev. Fr. Felipe Pedraja noong Oktubre 2006 na nagmula pa sa Zamora, Spain.

Matatagpuan dito ang 14 na istasyon ng Krus na nasa loob ng simbahan na itinuturing na isa sa pinakamagandang istasyon sa buong Asya at may mga ukit na naglalarawan ng mga katangiang Malay na hango sa kayumangging balat ng mga katutubo. Ang mga squat figure ay pinaniniwalaang mga likha ng katutubong mga artist ng Tanay.

Ang ilan sa mga natatanging figure ay mula pa sa katutubong kultura tulad ng “Tambuli” na gawa sa kalabaw at espadang Romano na pinalitan ng bolo (itak) na nakapaloob sa malaking salamin na bintana sa magkabilang panig ng simbahan.

Ang Simbahan ng San Ildefonso sa Tanay, Rizal ay nagpapakita lamang ng mga tradisyong na karapat-dapat pangalagaan, at ipreserba dahil sa makasaysayang urban landscape.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *