Target ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) MIMAROPA na magtatag ng extension office sa bayan ng Buenavista sa unang bahagi ng 2027 upang mailapit ang serbisyo nito sa mga transport operator at drayber sa lalawigan.
Ayon kay LTFRB MIMAROPA Regional Director Enrico Moreno R. Bautista, layunin nitong mapadali ang pag-aaplay at pag-renew ng prangkisa at permit nang hindi na kailangang bumiyahe pa patungong Calapan City, Oriental Mindoro.
Tinalakay ni Bautista ang plano kasama sina Congressman Reynaldo Salvacion at Buenavista Mayor Eduard Siena sa pamamahagi ng fuel subsidy sa Provincial Capitol sa Boac noong Oktubre 27. Inaasahang mababawasan nito ang oras at gastos ng mga transport operator at drayber sa pag-asikaso ng kanilang mga dokumento.
Source: PIA MIMAROPA