Isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ng Trece Martires ang pagpapalawak ng programang “Bote Plastic Palit Bigas” upang maisabatas ito sa buong bansa bilang pagkilala sa mga benepisyo ng waste recycling sa kapaligiran at komunidad.

Ayon kay Mayor Gemma Buendia-Lubigan, umaasa siyang magsisilbing modelo sa iba pang antas ng pamahalaan ang programa dahil sa aktibong pakikilahok ng mga residente at positibong epekto nito sa pangangalaga ng kalikasan.

Layunin ng programa na hikayatin ang publiko na makilahok sa wastong pamamahala ng basura sa pamamagitan ng pagbibigay ng bigas kapalit ng mga nakolektang plastik.

Source: PIA CALABARZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *