Naghahanda ang pamahalaang panlalawigan ng Oriental Mindoro ng alternatibong pagkukunan ng tubig, mga binhing matibay sa tagtuyot, tulong-pagkain at suplay medikal upang mabawasan ang epekto ng nagpapatuloy na Strong to Very Strong El Niño.

Bahagi ito ng provincial action plan na naglalayong matiyak ang seguridad sa tubig at pagkain, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang mga hakbang laban sa naturang penomenong pangklima.

Ayon sa DOST-PAGASA, inaasahang magpapatuloy ang El Niño hanggang unang quarter ng 2027, na posibleng magdulot ng epekto hanggang unang kalahati ng taon.

Kabilang sa mga hakbang ng lalawigan ang pagpapalakas ng irigasyon, pamamahagi ng mga pangangailangan sa pagsasaka, at pagtitiyak ng sapat na tubig at suplay medikal sa mga ospital.

Kasalukuyan ding nagbibigay ng suporta sa pamamahagi ng tubig sa Baco, tulong sa gasolina sa Puerto Galera, at nagsasagawa ng paghahanda para sa paggamit ng drilling machine sa Bulalacao.

Sa pamamagitan ng anim na operational cluster at apat na posibleng senaryo ng pagtugon, layon ng pamahalaang panlalawigan na mapalakas ang kahandaan at mabawasan ang epekto ng tagtuyot sa mga mamamayan, magsasaka at mahahalagang serbisyo.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *