Namahagi ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng fuel subsidy sa 163 kuwalipikadong driver at operator ng mga public utility vehicle (PUV) sa Provincial Capitol sa bayan ng Boac, Marinduque, upang makatulong na maibsan ang kanilang gastusin sa gasolina at operasyon.

Nakatanggap ng tig-₱1,500 ang mga driver ng tradisyunal na pampasaherong jeepney, habang tig-₱5,000 naman ang ipinagkaloob sa mga driver ng Utility Vehicle (UV) Express van at mga operator.

Layunin ng programa na magbigay ng pinansiyal na tulong sa mga tsuper at operator sa gitna ng patuloy na gastusin sa krudo at iba pang pangangailangan sa kanilang operasyon, gayundin ang makatulong sa pagpapatuloy ng kanilang serbisyo sa mga commuter.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *