Nasawi ang isang 42-anyos na tindero ng isda matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng isang wet market sa Victory Mall, Barangay Bañadero, Tanauan City noong Setyembre 1.
Kinilala ang biktima sa alyas na “Ruel.” Batay sa paunang ulat, patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang suspek at mabatid ang motibo sa insidente.
Patuloy din ang pangangalap ng pulisya ng mga impormasyon at iba pang ebidensiyang maaaring makatulong sa pagkilala at pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa responsable sa krimen.
Source: Batangas News Today