Nagsagawa ng unang quarter Full Council Meeting ang Regional Peace and Order Council (RPOC) ng MIMAROPA noong Huwebes, Marso 5, 2026, sa Century Park Hotel sa Malate, Maynila.

Pinangunahan ang pagpupulong ni RPOC Chairperson at Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor kung saan tinalakay ang mahahalagang usapin at mga inisyatiba kaugnay ng pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.

Dumalo rin sa nasabing pulong sina Romblon Governor Trina Firmalo-Fabic at Marinduque Governor Melecio Go, kasama ang iba pang miyembro ng konseho at mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Nakiisa rin sa pagpupulong si Philippine Information Agency (PIA) MIMAROPA Regional Head Jemin Bonafe-Guillermo bilang bahagi ng patuloy na suporta ng ahensya sa pagpapalakas ng pagpapalaganap ng impormasyon hinggil sa mga programa at inisyatiba para sa kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.

Layunin ng quarterly Full Council Meeting na suriin ang kasalukuyang sitwasyon ng kapayapaan at kaayusan sa MIMAROPA, pag-ugnayin ang mga estratehiya ng iba’t ibang ahensya, at higit pang palakasin ang koordinasyon ng mga pambansang ahensya at lokal na pamahalaan sa rehiyon.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *