Mabilis na rumesponde ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng pamamahagi ng tulong pinansyal at pangunahing pangangailangan noong ika-22 ng Agosto, 2025 para sa mga nasunugan sa Brgy. IV, Lucena City na nangyari noong Agosto 19.

Ang naturang pamamahagi ay pinangunahan ni Vice Governor Third Alcala kasama si PSWDO Head Sonia S. Leyson.

Kabuuang 56 na indibidwal ang nabigyan ng tulong na siyang nagbigay-daan upang bumangong muli sa kabila ng pagsubok na kanilang naranasan.

Ang pagtutulungan at malasakit na ipinamalas ay nagpapakita ng pag-asa at nagpapaalala na sa panahon ng pagsubok, may mga kamay na handang umalalay.

Source: Provincial Government of Quezon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *