Buong pusong pinagdiwang ng Bayan ng Angono ang ika-87 anibersaryo ng pagsasarili nito mula sa Binangonan at bilang paggunita sa makasaysayang paglagda ni Pangulong Manuel L. Quezon sa Executive Order No. 158 noong ika-19 ng Agosto, 2025.

Pinangunahan nina Mayor Gerry Calderon, Vice Mayor Jeri Mae Calderon, at Congresswoman Mia Ynares ang isinagawang makabuluhang pag-aalay ng bulaklak sa Monumento ni Pangulong Quezon.

Dumalo rin sa naturang aktibidad ang mga lider-barangay, guro, mag-aaral, kawani ng pamahalaan, at iba’t ibang sektor ng komunidad na nagpapakita ng matibay na pagkakaisa at pagmamahal sa bayan.

Tampok din sa pagdiriwang ang pagtatanghal ng ‘Ang Nuno Dance Troupe’ mula sa Regional Lead School for the Arts in Angono, na muling nagbigay-buhay sa mayamang kultura ng ating lahi sa pamamagitan ng tradisyunal na sayaw.

Ang aktibidad ay isang pagpupugay sa pinagmulan at nagpapaalala na ang kasarinlan ay bunga ng pagkilos, pagkakaisa, at pagmamalasakit ng ating mga ninuno.

Source: Angono PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *