Isang biyaya ng bagong pag-asa ang dumaloy ngayong Agosto 20, 2025, sa mga komunidad ng Brgy. Busay at Tula-Tula Grande, Legazpi, Albay.
Sa pagtutulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V – Bicol Region at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), kasama ang mga LGU at iba pang katuwang na ahensya, matagumpay na naihatid at napakawalan ang mahigit 3,000 fingerlings sa mga small-farm water reservoirs sa lalawigan ng Albay, bilang mahalagang bahagi ng Project LAWA at BINHI ng DSWD Bicol.
Layunin ng proyektong ito na higit pang paigtingin ang kabuhayan ng ating mga partner-beneficiaries at tiyakin ang kanilang pangmatagalang seguridad sa pagkain.
Higit pa rito, ito ay isang malinaw na patunay ng matatag na suporta ng pamahalaan sa mga komunidad, isang hakbang upang harapin ang mga hamon ng nagbabagong klima at patuloy na itaguyod ang mas maunlad at matibay na kinabukasan para sa bawat pamilya.
Sa bawat maliit na isdang pinakawalan, sumisibol ang mas malaking pangarap para sa masaganang bukas.
Source: DSWD Field Office V