Patuloy ang pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development Field Office V ng mga masustansyang pagkain sa ilalim ng Walang Gutom Program sa iba’t-ibang lalawigan sa Bicol.

Kaugnay nito, tinatayang mahigit 1,000 benepisyaryo mula Pamplona at Camaligan, Camarines Sur, at Donsol, Sorsogon ang nakapag-redeem ng kanilang food commodities, kung saan tumanggap sila ng masustansya, masasarap, at abot-kayang pagkain, simula Hulyo 31 hanggang ngayong Agosto 4, 2025.

Magpapatuloy ang Food Redemption sa iba’t ibang bahagi ng Albay, Camarines Sur, at Sorsogon mula Agosto 4 hanggang Agosto 18, 2025.

Ang DSWD Bicol ay mas pinapaganda at pinapagbuti pa ang mga programa at serbisyo nito lalong-lalo na sa pagsisiguradong may sapat at masustansyang pagkain ang ating mga kapwa Pilipino.

Source: DSWD Walang Gutom Program

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *