Ipinamalas ng Bayan ng Cavinti ang masigla at makulay na pakikiisa sa ika-11 Sambalilo Festival 2025 na ginanap sa Bayan ng Lumban Laguna noong August 6, 2025. Sa temang “Habi ng Kultura, Sigla ng Turismo,” muling naipakita ang yaman ng kultura, sining, at pagkakaisa ng mga mamamayan sa pamamagitan ng kanilang aktibong partisipasyon sa taunang pagdiriwang.

Isang mainit na pagbati ang hatid natin sa Pamahalaang Bayan ng Cavinti sa pangunguna ng butihing Punong Bayan, Hon. Arrantlee R. Arroyo at Pangalawang Punong Bayan, Hon. Milbert L. Oliveros, kasama ang mga kasapi ng Sangguniang Bayan, Cavinti Tourism Office, at iba pang municipal organizations na buong pusong nag-ambag ng kanilang panahon, talento, at dedikasyon para sa matagumpay na paglahok sa festival.

Sa pamamagitan ng kanilang makulay na presentasyon at pagpapakita ng lokal na gawang produkto tulad ng mga habing sambalilo, naiparating ng Cavinti ang kahalagahan ng pagpapanatili ng ating tradisyon at pagpapalaganap ng turismo bilang bahagi ng pag-unlad ng bayan.

Patuloy nawa tayong maging inspirasyon sa pagtataguyod ng ating kultura at pagpapalakas ng turismo sa buong Laguna!

Source: Sangguniang Kabataan Ng Brgy. Bukal Cavinti, Laguna FB Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *