Umabot sa ₱10,700.00 ang kabuuang halaga ng mga naibentang produkto ng mga kalahok ng Sustainable Livelihood Program (SLP) sa ginanap na DSWD Annual Media Forum noong Agosto 1, 2025 sa Provincial Capitol Complex, Cadlan, Pili, Camarines Sur.

Ito ay matapos magtayo ng pop-up store ang staff ng DSWD Bicol – SLP sa nasabing aktbidad kung saan naging tampok ang iba’t ibang mga pagkain at kagamitang gawa ng mga SLP participant mula sa iba’t ibang bayan sa naturang probinsya.

Kabilang sa mga naibenta ay ang sari-saring mga vegetable chips, ready-to-eat dried fish, mga tsokolate, kakanin, mani, mga palaman, at mga basahan.

Nagpahatid naman ng pasasalamat sa DSWD Bicol si Necita Olitoquit, isa sa mga kalahok ng SLP na nakapagbenta ng produkto sa naturang forum.

Aniya, malaking tulong sa kanya ang mabigyan ng karagdagang oportunidad upang maibenta ang kanyang mga produkto.

Isa siya sa mga nabigyan ng tulong pangkabuhayan ng ahensya noong taong 2019.

Kasabay ng pagsulong ng tamang impormasyon, patuloy na sinisikap ng DSWD Bicol sa pangunguna ni Regional Director Norman Laurio, na matulungang maiugnay ang mga kalahok ng SLP sa mga potensyal na mamimili.

Patuloy ding pinagtitibay ng ahensya ang kakayahan ng mga nasabing indibidwal na masuportahan at patuloy na mapaunlad ang kanilang pamumuhay.

Ito ay alinsunod sa direktiba ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, at sa hangaring pangsosyo-ekonomiko ni President Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Source: DSWD Field Office V

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *