Ang buwan ng Hulyo ay nakatuon sa pagpapalaganap ng kalusugan at kabutihang panlahat. Bilang bahagi ng Nutrition Month, tampok noong Hulyo 7, 2025 sa Makiling Integrated School, Calamba City ang kapangyarihan ng sining bilang mabisang paraan upang hikayatin ang mas malusog na pamumuhay.

Sa temang “Food at Nutrition Security, Maging Priority! Sapat na Nutrisyon, Karapatan Natin!”, ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang kagalingan sa sining, na may kasamang malasakit, layunin, at pagkamalikhain.

Mula sa makukulay na likhang-poster hanggang sa makabuluhang mga slogan, ang bawat obra ay may mensaheng tumatalima sa adbokasiyang pangkalusugan na ang nutrisyon ay karapatan ng bawat isa at dapat gawing pangunahing prayoridad ng bawat komunidad.

Tunay ngang ang sining ay hindi lamang pampaganda ng kapaligiran ito ay daluyan ng pagbabago, na nagsusulong ng malusog na pamumuhay para sa mas malakas at mas masiglang kinabukasan.

Source: DepEd Tayo Makiling Integrated School – Calamba City

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *