Matagumpay na naipatupad sa Barangay San Isidro, Tabaco City ang Project LAWA at BINHI ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V – Bicol Region, katuwang ang San Isidro Farmers Agriculture Cooperative (SIFAC).

Batay sa paunang ulat, nakaani ang SIFAC ng labing-walong (18) kilo ng pechay na nagbunga ng kita na Php900. Ito ay patunay na unti-unting umuunlad ang kabuhayan ng mga benepisyaryo tungo sa mas matatag at pangmatagalang hanapbuhay.

Sa pamumuno ni DSWD Regional Director Norman S. Laurio, at sa pakikipagtulungan ng LGU ng Tabaco City, Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang programa ay patuloy na pinapalakas ang kakayahan ng mga komunidad upang makapagsarili at makapaghanda sa mga hamon ng panahon.

Ang inisyatibong ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na labanan ang gutom at tiyakin ang sapat na pagkain para sa bawat Pilipino, sa pamumuno ni DSWD Secretary Rex Gatchalian.

Source: DSWD Field Office V (Bicol Region)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *