Maraming mag-aaral na batang Palaweño ang nakinabang sa libreng dental services matapos ilunsad ang Ivoclar Joy Outreach Program sa lungsod ng Puerto Princesa at lalawigan ng Palawan nito lamang ika-4 ng Hulyo 2025.
Naisakatuparan ito sa pagtutulungan ng Ivoclar Vivadent at Department of Education sa lugar. Makakatuwang din nila sa outreach program ang mga dentista at nurse mula sa DepEd Palawan at Provincial Health Office na sinanay sa paggamit ng kanilang dalang bagong equipment.
Ang Ivoclar Vivadent Inc. ay isang dental material manufacturer na nagmula sa Zurich, Switzerland at kasalukuyang naka-base sa Schaan, Liechtenstein sa Central Europe, at 102 taon na sa operasyon sa buong mundo.
Layunin ng Ivoclar na maisulong ang oral health care and education at makapaghatid ng iba’t ibang dental services para sa mga mag-aaral na Palaweño.
Source: Palawan News