Apat na pamilya mula sa Zone 3, Barangay Laganac, Balatan, Camarines Sur ang lubos na apektado ng biglaang pagbaha noong Hulyo 1, 2025, bandang alas-10 ng gabi.

Ayon sa ulat, ang malalakas na pag-ulan ang naging sanhi ng pag-apaw ng tubig, na nagresulta sa pagbaha sa kanilang mga kabahayan.

Umabot sa 15 katao—8 lalaki at 7 babae—ang naapektuhan ng insidente. Gayunpaman, ligtas ang lahat ng miyembro ng pamilya at pansamantalang nanunuluyan sa mga kamag-anak.

Agad na tumugon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V – Bicol Region, sa ilalim ng pamumuno ni Regional Director Norman Laurio, alinsunod sa direktiba ni Secretary Rex Gatchalian. Ang tulong na ipinagkaloob ay nagkakahalaga ng Php27,767.28, na kinabibilangan ng Family Food Packs, kitchen kits, family kits, at hygiene kits.

Bukod dito, nagbigay din ang DSWD Bicol ng technical assistance upang matulungan ang mga pamilya sa pag-avail ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), bilang karagdagang suporta sa kanilang proseso ng pagbangon.

Patuloy ang pagbabantay ng DSWD Bicol at ang kanilang pagsusumikap na maghatid ng kinakailangang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.

Source: DSWD Field Office V (Bicol Region)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *