Matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang Healthy Buntis Congress, sa pangunguna ng Provincial Health Office (PHO) sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City na may temang “Sa Bagong Pilipinas, Katuwang ang Batangas, Bawat Nanay Mahalaga” nito lamang ika-30 ng Agosto 2024,

Naging bahagi ng pagdiriwang sina Vice Governor Mark Leviste; 5th District Senior Board Member Claudette Ambida Alday; PHO Department Head, Dr. Rosvilinda M. Ozaeta; PHO Assistant Department Head, Dr. Gerald Alday; at iba pang mga opisyal, kawani at kinatawan ng PHO, mga City at Municipal Health Offices at mga private sponsors na katuwang sa programa.

Layunin ng programa na makapagbigay ng kaalaman tungkol sa modernong family planning, at dagdag kaalaman sa mga healthy methods na makatutulong sa mga nanay upang makontrol ang pagbubuntis.
Source : BATANGAS PIO