Pinangasiwaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Orientation sa pamamagitan ng tanggapan ng Provincial Assistance for Community, Public Employment and Youth and Sports Development Office (PACPEYSDO) sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City nito lamang Hulyo 31, 2024.

Ang TUPAD program ay isang proyekto ng National Government, sa pangunguna ng Department of Labor and Employment (DOLE), at mula sa pakikipag-ugnayan ng pamahalaang panlalawigan.
Tinatayang nasa 508 na benepisyaryo ang matutulungan ng naturang programa, na tatagal sa loob ng siyam na araw.

Nakiisa sa orientation sina PACPEYSDO Department Head Vinda Mendoza, Assistant Department Head Diosdado Macalintal, mga kinatawan ng tanggapan nina Senators Allan at Pia Cayetano, at iba pang mga kawani ng PACPEYSDO.
Ibinahagi ng DOLE sa ginanap na orientation ang mga kinakailangang maisakatuparan ng mga kalahok sa programa, kung saan naglalayon na makatulong sa ating mga kababayan na walang trabaho at maibalik ang sigla ng kanilang pamumuhay.
Source: Batangas PIO