Patuloy na namamahagi ng tulong ang DSWD Field Office 5 sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Carina at Habagat sa Bicol Region noong Hulyo 29, 2024.

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol’s Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS) Program ay namamahagi ng kabuuang Php355,000 cash relief assistance sa 64 na pamilyang naapektuhan ng Bagyong Carina sa Magallanes, Sorsogon.
Nakatanggap ang pitong pamilya na may totally damage na bahay ng Php10,000 bawat isa at Php5,000 bawat isa naman ang binigay ng 57 pamilyang may partially damage na bahay.

Namahagi din ang Disaster Response Management Division (DRMD) ng kagawaran ng Php40,625 halaga ng Family Food Packs (FFPs) sa mga apektadong pamilya.
Ang DSWD Bicol ay patuloy na nakikipagtulungan sa mga local government units sa buong rehiyon para matiyak ang mahusay na paghahatid ng tulong.
Source: DSWD Bicol