Para masiguro ang sapat at malinis na tubig sa Metro Manila at mga karatig na lugar, isinagawa ang impounding process ceremony para sa Upper Wawa Dam sa Montalban, nito lamang ika-11 ng Hulyo 2024.

Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kung saan ay pinangunahan niya ang naturang aktibidad, ang tubig ay buhay—para sa bawat Pilipino at para sa kinabukasan ng ating bansa.

Dagdag pa sa sinabi ng Pangulo na ang bagong Upper Wawa Dam ay higit pa sa imprastraktura; ito ay isang lifeline na magpoprotekta sa ating mga komunidad mula sa malupit na epekto ng tagtuyot at pagbaha at titiyakin ng pamahalaan na ang milyon-milyong kababayan ay may maaasahang access sa malinis na tubig sa mga darating na dekada.

Inaasahang madadagdagan ng dam, na bahagi ng Wawa Bulk Water Supply Project Phase 2, ang water supply ng rehiyon sa 438 milyong litro kada araw, mula sa dating 80 milyon, pagdating ng 2025, layunin ng proyekto na masuportahan ang hanggang 3.5 milyong Pilipino, at makatutulong din ito upang maibsan ang pagbabaha, at maisulong ang ating climate resilience.

Source: Presidential Communications Office

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *