Umabot sa 88 pamilya o 301 indibidwal mula sa Barangay Buang ang nakinabang sa livelihood training na pinangunahan ng Tabaco City Police Station noong Nobyembre 12, 2026, sa Buang Evacuation Center, Tabaco City, Albay.
Isinagawa sa pakikipagtulungan sa Gender and Development (GAD) Office ng lokal na pamahalaan ang programa sa ilalim ng Project Alagang KA-SU-ROG at PNP Focused Agenda on Community Support.
Tampok sa aktibidad ang talakayan tungkol sa Sustainable Livelihood Program at aktuwal na pagsasanay sa paggawa ng dishwashing liquid.
50 kalahok ang direktang sumailalim sa pagsasanay upang magkaroon ng karagdagang kasanayang maaaring pagkakitaan habang nasa evacuation center dahil sa pag-aalboroto ng Bulkang Mayon.
Sa ilalim ng pamumuno ni PBGEN Randy Glenn G. Silvio, Regional Director ng PRO5, patuloy na isinusulong ng kapulisan ang mga programang nagbibigay ng tulong, kabuhayan, at pag-asa sa mga pamilyang apektado ng kalamidad.