Lumahok ang mga magsasaka mula sa 39 Irrigators Associations (IAs) sa iba’t ibang bahagi ng CALABARZON sa Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) Exhibit at Supervision, Monitoring, Evaluation, and Support (SMES) Year 3 ng National Irrigation Administration (NIA) noong Oktubre 29 sa Jose Rizal Coliseum sa Calamba City, Laguna.

Ayon kay NIA CALABARZON Regional Manager Engr. Roberto Dela Cruz, layunin ng programa na mabigyan ng mas malawak na oportunidad sa merkado ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pagpapakita at pagbebenta ng kanilang mga produktong agrikultural.

Sa pamamagitan ng naturang exhibit, inaasahang mas mapalawak ang merkado ng mga lokal na produkto, maabot ang mas maraming mamimili, at mapataas ang kita ng mga magsasaka bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kabuhayan at kaunlaran sa sektor ng agrikultura.

Source: PIA CALABARZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *