Umabot sa 1,000 benepisyaryo ang nakabili ng tig-lilimang kilong bigas sa halagang ₱20 kada kilo sa ilalim ng programang Benteng Bigas, Meron Na sa bayan ng Gumaca, Quezon noong Oktubre 22.

Layunin ng programa na makapagbigay ng dekalidad at abot-kayang bigas, lalo na sa mga senior citizen, persons with disabilities (PWDs), solo parents, minimum wage earners, magsasaka, at mangingisda upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na gastusin.

Pinangunahan ang aktibidad ng DA Calabarzon Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) katuwang ang High Value Crops Marketing Cooperative of Quezon, National Food Authority (NFA), Food Terminal Incorporated (FTI), at Kalahi-CIDSS Office.

Source: PIA CALABARZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *