Nagsagawa ang National Meat Inspection Service Regional Technical Operation Center IV-A ng feeding program para sa mga batang nasa pangangalaga ng CMSP Children’s Village sa bayan ng Naic noong Oktubre 20.
Bahagi ito ng kanilang ika-54 anibersaryo at ika-33 Meat Safety Consciousness week na layong ilapit sa kabataan ang wastong impormasyon ukol sa wastong handling, selection, handling, storage, at pagluluto ng karne.
Bukod sa pagpapalakas ng kanilang regulatory activites, binibigyang diin rin ng programa ang pagsusulong ng kamalayan ukol sa safe meat practices lalo na sa kabataan.
Source: PIA CALABARZON