Patuloy na hindi madaanan ang bahagi ng kalsada sa Sitio Guitisan, Barangay San Teodoro, Mabini, Batangas matapos ang landslide na naganap noong Oktubre 2, 2026.

Ayon sa Batangas 2nd District Engineering Office, posibleng dulot ng matagal na pagbabad sa tubig ng lupa ang pagguho, na maaaring pinalala ng mga bukal at pagyanig. Nauna nang isinara ang naturang kalsada matapos makitaan ng mga bitak sa gilid ng bundok bilang pag-iingat sa kaligtasan ng mga motorista at residente.

Patuloy naman ang clearing operations sa lugar upang alisin ang mga gumuhong materyales at maisagawa ang kinakailangang hakbang para maibalik ang ligtas na pagdaan sa kalsada. Pinapayuhan ang publiko na iwasang dumaan sa apektadong bahagi hanggang sa ideklarang ligtas ito ng mga awtoridad.

Source: Batangas News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *