Dalawang crew member ang nasugatan matapos masunog ang motor tanker na GINDARA sa pantalan ng Balayan Distillery Inc. sa Barangay Talisay, Calaca City, Batangas.
Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog sa engine room habang sakay ng barko ang 22 crew at may kargang molasses. Agad namang rumesponde ang Philippine Coast Guard (PCG), mga bumbero at volunteers upang apulahin ang apoy, katuwang ang BRP Malapascua.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng insidente. Samantala, patuloy ding minomonitor ang kalagayan ng dalawang nasugatang crew member.
Source: Batangas News