Patuloy na banta sa critically endangered na Tamaraw sa Mindoro ang pagbabago sa paggamit ng lupa, kabilang ang pagpapalawak ng agricultural, residential at business areas, gayundin ang pagtatayo ng mga imprastraktura.

Ayon kay Mindoro Biodiversity Conservation Foundation Inc. Executive Director Kathy Lene S. Cielo sa Kapihan sa PIA Oriental Mindoro noong Setyembre 29, mahalagang mapangalagaan ang natitirang habitat ng Tamaraw dahil limitado ang reproductive capacity nito at nananatiling bulnerable sa habitat loss at fragmentation.

Batay sa datos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), nasa 425 ang naitalang Tamaraw sa Mounts Iglit-Baco Natural Park noong 2026, mula sa 380 noong 2025. Gayunman, kabilang pa rin sa mga banta sa species ang forest degradation, habitat fragmentation at agricultural expansion.

Nanawagan si Cielo na isaalang-alang ang Tamaraw conservation sa mga development activities at iwasang gawing agricultural, residential o business areas ang dating grassland at forest land. Binigyang-diin din niya ang pangangailangang pigilan ang pagpasok ng livestock sa critical Tamaraw areas upang maiwasan ang pagkalat ng mga sakit.

Patuloy namang nakikipagtulungan ang MBCFI sa mga komunidad, Indigenous Peoples at forest rangers upang palakasin ang habitat protection, patrol at iba pang conservation efforts para sa tuloy-tuloy na pagdami at pagbangon ng populasyon ng Tamaraw.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *