CALAPAN CITY, Oriental Mindoro — Pinaigting ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) MIMAROPA ang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang agarang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng habagat at Tropical Cyclones Luis at Maymay.

Ayon sa regional disaster report, umabot sa 9,049 pamilya o 37,574 indibidwal sa 114 barangay sa Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, at Romblon ang naapektuhan hanggang alas-7 ng umaga nitong Agosto 10.

Nakipag-ugnayan ang DSWD sa mga apektadong LGU at nakapamahagi na ng 2,388 Family Food Packs na nagkakahalaga ng ₱1.48 milyon. Mayroon ding ₱2.07 milyon na standby funds at kabuuang ₱175.51 milyon na standby funds at stockpile para sa patuloy na disaster response.

Samantala, 58 pamilya o 212 katao ang kasalukuyang nananatili sa walong evacuation centers. Patuloy namang minomonitor ng DSWD at iba pang ahensya ang sitwasyon upang matiyak ang mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *