Ligtas na nailikas ang 15 guro mula sa Naswak Elementary School na na-stranded sa rumaragasang ilog sa Sitio Naswak, Barangay Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro nito lamang August 20, 2026,/.
Nabatid na matapos lumakas ang tubig baha ng Bongabong River na dahilan ng pagkasira ng kawayang tulay na nagsilbing kanilang pangunahing daanan.
Binubuo ang rescue team ng mga tauhan mula sa 2nd Provincial Mobile Force Company ng Oriental Mindoro Police Provincial Office, sa ilalim ng pamumuno ni Force Commander, PLtCol Israel Cisco T. Magnaye, katuwang ang 10th Special Action Battalion, Special Action Force (10th SAB, SAF), Bureau of Fire Protection–Bongabong, at ang Bongabong Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Rescue Division.
Inilunsad ang naturang rescue operation matapos iniulat ng isang barangay official ang kalagayan ng nasabing mga guro.
Agad nakipagtulungan ang MDRRMO sa PNP at sa iba pang mga ahensya ng pamahalaan upang magtalaga ng mga rescue team para ligtas na mailikas ang nasabing mga nastranded na indibidwal.
“In an emergency, every minute matters. What saved the situation was the quick coordination and immediate response of our personnel and partner responders to make sure that all our teachers were brought to safety.” mensahe ni PBGEN Christopher R. Dela Cruz, Regional Director ng Police Regional Office MIMAROPA.