Inaasahang makikinabang ang 425 magsasaka sa Aborlan, Palawan sa Ibato-Iraan Small Reservoir Irrigation Project (SRIP) na pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Hulyo 23.
Ayon sa Pangulo, mahalaga ang pagpapalawak ng mga pasilidad sa irigasyon upang matulungan ang mga magsasaka na harapin ang lumalalang epekto ng climate change at hindi tiyak na tagtuyot.

Inaasahang matutustusan ng proyekto ang irigasyon ng 1,072 ektarya ng lupang sakahan sa mga barangay ng Sagpangan, Iraan, at Isaub, na makatutulong sa pagpapatuloy ng produksyon, pagtaas ng ani, pagpapalakas ng kita, at seguridad sa pagkain.
Source: PIA MIMAROPA