NAIC, CAVITE — Tinatayang 1,000 pamilya sa bayan ng Naic, Cavite ang nakatanggap ng kanilang mga benepisyo sa ilalim ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Assistance Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Hulyo 22.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, layunin ng programa na suportahan ang mga pamilyang higit na nangangailangan, lalo na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga pamilyang kinilala batay sa listahan ng mahihirap na sambahayan sa ilalim ng Community-Based Monitoring System (CBMS) ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Noong Hulyo 20, sinimulan ng DSWD ang pilot distribution ng UPLIFT Assistance para sa mahigit 5,000 pamilya sa mga lalawigan ng Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon. Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na maibigay ang kinakailangang tulong at suporta sa mga pamilyang higit na apektado ng kasalukuyang hamon sa ekonomiya.

Source: PIA CALABARZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *