Pinalawak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) MIMAROPA ang market access ng mga livelihood beneficiaries sa pamamagitan ng “SLP Kinse Live Selling,” bilang bahagi ng ika-15 anibersaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP).

Tampok sa online selling ang iba’t ibang de-kalidad at abot-kayang produktong gawa ng mga miyembro ng SLP associations, na ipinakilala sa mas malawak na online audience upang madagdagan ang kanilang mga mamimili at kita.

Hinikayat ng DSWD MIMAROPA ang publiko na suportahan ang mga lokal na produkto at community-based enterprises. Binigyang-diin nito na ang bawat pagbili ay direktang nakatutulong sa pagpapatuloy ng mga negosyo at sa pagbuo ng mas matatag at produktibong kabuhayan para sa mga benepisyaryo.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *