Mahigit 52,400 pamilya mula sa 33 barangay sa Lucena City ang nakatanggap ng tig-10 kilong bigas sa ilalim ng programang Bawat Bayan Makikinabang (BBM) ng pambansang pamahalaan.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasama si Lucena City Mayor Mark Alcala, ang paglulunsad ng unang tranche ng programa sa Lucena Convention Center nitong Martes, Hulyo 21. Sa unang tranche, target na mabigyan ng rice assistance ang humigit-kumulang 4,000 benepisyaryo mula sa vulnerable sector at mga indigent na pamilya.

Ang mga bigas na ipinamahagi ay bahagi ng implementasyon ng Sagip Saka Act, kung saan direktang binibili ng pamahalaan ang mga produktong pang-agrikultura mula sa mga lokal na magsasaka. Sa pamamagitan nito, natutulungan ang mga magsasaka na magkaroon ng tiyak na merkado para sa kanilang ani habang naipagkakaloob naman ang kinakailangang ayuda sa mga pamilyang higit na nangangailangan
Layunin ng programa na mapalakas ang suporta ng pamahalaan sa mga lokal na magsasaka at matulungan ang mga pamilyang nangangailangan, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng food security at kapakanan ng bawat Pilipino.
Source: PIA CALABARZON