ODIONGAN, Romblon — Nakaantabay ang Philippine Statistics Authority (PSA) Romblon sa Odiongan Covered Court upang magbigay ng assistance sa mga benepisyaryo ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) cash assistance na may mga isyu sa kanilang identification documents.
Layunin ng serbisyo na matulungan ang mga benepisyaryong may problema o kakulangan sa kanilang mga ID upang makumpleto ang kinakailangang validation at matiyak ang maayos na proseso ng pagtanggap ng kanilang cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, patuloy na nakikipagtulungan ang PSA sa mga kaukulang ahensya upang mapadali ang proseso ng dokumentasyon at matiyak na makatatanggap ng nararapat na ayuda ang mga kwalipikadong benepisyaryo.
Source: PIA Romblon