Nag-preposition ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) MIMAROPA ng 173,953 Family Food Packs (FFPs) sa mga lokal na pamahalaan sa buong rehiyon bilang paghahanda sa posibleng epekto ng El Niño.
Sa ikalawang quarter meeting ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) noong Hunyo 16, sinabi ni DSWD MIMAROPA Regional Director Benchie B. Gonzales na layunin ng hakbang na matiyak ang mabilis na paghahatid ng tulong sa mga komunidad na maaaring maapektuhan ng matinding tagtuyot.
Bukod sa food packs, nakapag-preposition din ang ahensya ng 28,048 non-food items, 27,105 ready-to-eat food packs, at may P158.35 milyong standby funds at relief stockpiles.
Samantala, inihayag ng Department of Health (DOH) MIMAROPA na nakahanda ang mga emergency response team, gamot, hygiene supplies, at iba pang emergency equipment upang mapanatili ang serbisyong pangkalusugan sa panahon ng El Niño.
Layunin ng mga paghahandang ito na mabawasan ang epekto ng El Niño, lalo na sa mga komunidad na maaaring makaranas ng kakulangan sa tubig, panganib sa kalusugan, at kakulangan sa pagkain.
Source: PIA MIMAROPA